
Cauayan City – Lumahok ang Department of Trade and Industry Region II (DTI R2) Isabela, katuwang ang Sagittarian Agricultural Philippines Inc. (SAPI), sa Gulfood 2026 Market Sensing Mission sa Dubai.
Ang Gulfood ay isa sa pinakamalaki international food and beverage trade exhibitions sa mundo na dinadaluhan ng iba’t ibang global industry players, buyers, at distributors.
Sa pamamagitan ng misyon, nagsagawa ang delegasyon ng Isabela ng market scanning, paghahambing ng presyo ng produkto, at pakikipag-ugnayan sa mga posibleng partners, consolidators, at distributors sa pamamagitan ng business-to-business discussions.
Isang mahalagang tagumpay ng misyon ang pagkakaloob ng Halal Certification sa Sagittarian Agricultural Philippines Inc. (SAPI), bilang pagkilala sa pagsunod nito sa international halal standards at pagbubukas ng pinto para sa pagpasok ng kanilang processed meat products sa lumalawak na halal food market ng Middle East.
Samantala, tumanggap naman ang DTI R2 ng Halal Trade & Certification Award bilang pagkilala sa patuloy nitong pagsusulong ng halal trade at pagpapalakas ng industry standards sa rehiyon.
Bilang bahagi ng misyon, nagsagawa rin ang delegasyon ng market study visits sa mga pangunahing retail establishments sa Dubai upang mas maunawaan ang galaw ng merkado, product positioning, at mga rekisito sa pagpasok ng produkto.
Pinagtibay din ng misyon ang ugnayan sa iba’t ibang organisasyon tulad ng Philippine Business Council–Dubai and Northern Emirates, Sandbox Middle East, Casa Filipina, at iba’t ibang consolidators, na nagbukas ng oportunidad para sa private labeling arrangements, product consolidation, at posibleng export partnerships para sa food at non-food ng Micro, Small, and Medium Enterprises.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










