Monday, January 19, 2026

𝗗𝗧𝗜, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗨𝗥𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗜𝗘𝗦

Nagpaalala ang Department of Trade and Industry Pangasinan sa publiko na maging mapanuri sa pagbili ng school supplies, ilang linggo bago ang opisyal na pasukan sa July 29.

Ayon kay DTI Provincial Director Natalia Dalaten, inilabas ng kagawaran ang “Gabay sa Pamimili ng School Supllies” na magsisilbing panuntunan ng consumers na bumibili ng school supplies.

Aniya, nasa 173 na produkto ang kasalukuyang minomonitor ng tanggapan. Karamihan sa mga ito ay walang pag galaw sa presyo.

Dahil dito, hinikayat ni Dalaten ang publiko na piliin ang mga produktong hindi nagtaas ng presyo. Mainam aniya na suriin ang brand na maganda ang kalidad, abot kaya ang presyo o mas mura kaysa sa ibang produkto.

Sa monitoring ng DTI Pangasinan wala pa itong nakitang sub-standard o low quality na produkto ng school supplies.

Paalala ng DTI sa mga mamimili ng school supplies, I check ang label kasama ang pangalan ng manufacturer o ng importer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments