Nagpamahagi ang Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ng “Timbangan ng Bayan” sa mga palengke sa lalawigan.
Sa pamamagitan nito ay maaaring malaman ng mga konsyumer kung tama ba ang timbang o kilo ng kanilang mga pinamiling produkto nang sa gayon ay maprotektahan ang mga sarili laban sa mga mapagsamantalang tindero at tindera.
Matatagpuan ang mga timbangan sa mga palengke ng Balungao, Bautista, Burgos, Labrador, Laoac, at Natividad.
Tiniyak ng DTI Pangasinan na selyado ang mga timbangan upang maiwasang manipula o manakaw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments