𝗘𝗔𝗥𝗟𝗬 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Nagkaroon ng maagang inspeksyon kahapon ng umaga ang alkalde ng Dagupan City, Mayor Belen Fernandez kasama ang OIC ng City Engineering Office para tignan ang progreso ng naturang proyekto partikular sa bahagi ng Perez Boulevard.

Hiling ngayon ng alkalde ng lungsod sa DPWH na dapat ay tapusin na mismo ang naturang road at drainage elevation sa mga araw na kanilang itinakda kung kailan ito mismo matatapos.

Ilan din sa ininspeksyon ng alkalde at ng City Engineering ang mga isinasaayos na PCC pavement at drainage system sa bahagi naman PAG-ASA Village, Barangay Pantal.

Isa ang barangay na ito sa mga flood-prone community kaya naman nakasama na rin sa flood mitigation efforts ng gobyerno para mawakasan na rin ang paghihirap ng mga ito sa mga baha at high tides na nararanasan taun-taon.

Samantala, sa March 15 naman, ipatutupad ang muling pagbubukas sa two-way traffic scheme sa bahagi ng Arellano St. sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments