𝗘𝗔𝗥𝗟𝗬 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗩𝗘𝗦 𝗠𝗘𝗠𝗢𝗥𝗜𝗔𝗟 𝗚𝗔𝗥𝗗𝗘𝗡

Cauayan City – Nagsimula na ang pagbisita ng ilang mga residente sa puntod ng kanilang mga kaanak sa Aves Memorial Garden sa lungsod ng Cauayan ilang araw bago ang mismong araw ng undas.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Benjamin Domingo, Security Guard sa nabanggit na pribadong sementeryo, mayroon ng mangilan-ngilang nagtutungo sa sementeryo upang bisitahin ang kanilang mga yumaong kaanak.

Aniya, kadalasang nagsisimulang magsisidagsaan ang mga bisita pagsapit ng ika-31 ng Oktubre at tuluy-tuloy na ito hanggang November 2.

Sinabi ni Domingo na bilang paghahanda, nagsimula na ring maglinis sa sementeryo ang mga maintenance staff ng sementeryo.

Samantala, ilan naman sa pamilya ng mga nakalibing sa nabanggit na sementeryo pinipili umanong umupa ng maglilinis sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay upang hindi na nila iisipin pa ang gagawing paglilinis bago ang undas.

Sa ngayon, inaasahan nilang mas marami ang bilang ng mga bibisita sa sementeryo ngayong taon dahil nadagdagan ang bilang ng mga nakalibing sa lugar.

Pagsapit umano ng November 1, bukas bente kuwatro oras ang nabanggit na sementeryo upang bigyan ng pagkakataon ang mga bisita na ipagdiwang ang araw ng mga patay kasama ang kanilang yumaong mahal sa buhay.

Facebook Comments