𝗘𝗕𝗜𝗗𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗦𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗬 𝗘𝗩𝗔𝗟𝗘𝗡𝗗 𝗦𝗔𝗟𝗧𝗜𝗡𝗚, 𝗞𝗜𝗡𝗨𝗞𝗨𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔

Inihayag ng Lingayen Police Station na patuloy na umuusad ang imbestigasyon sa pamamaslang sa 20 anyos na si Evalend Salting sa Lingayen Baywalk, Lingayen, Pangasinan nitong ika-24 ng Septyembre.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PLtCol. Amor Mio Somine, hindi raw titigil ang paggulong ng imbestigasyon sa kabila ng paghayag ng mga ito na case solved na ang nasabing kaso. Kinukumpleto na rin aniya ang mga ebidensyang magpapatunay upang matukoy ang buong katotohanan at tao sa likod ng krimen.

Lumabas na rin ang resulta ng post mortem examination kung saan head injury ang tinutukoy na sanhi ng pagkamatay ng biktima. Hinahanap na rin ng mga ito ang mga murder weapon sa pagkitil ng buhay ng biktima.

Ilang CCTV footages na rin ang hawak ng mga ito na sakaling magamit sa pagpapatibay ng ebidensya. Nauna nang inihayag ng pulisya na nahuli na nito ang kasintahan ng biktima na suspek sa pamamaslang sa kolehiyala.

Samantala, mayroong pitong mga saksi ang nakapagbigay ng kani-kanilang pahayag ukol sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments