𝗘𝗖𝗢 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗣𝗔𝗥𝗞, 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Nalalapit na ang pagsasakatuparan sa Eco Tourism Park sa bahagi ng Bonuan na siyang nakikitang makatutulong ng lokal na pamahalaan sa turismo ng lungsod ng Dagupan.

Nito lamang, nagkaroon ng pagpupulong ang alkalde ng lungsod kasama ang DENR-EMB 1 Ecological Solid Waste Section OIC upang pag-usapan ang ukol sa Project TRANSFORM o Transdisciplinary Approach for Resilience and Sustainable Communities.

Tuloy tuloy na ang pagsulong ng LGU sa programang maisakatuparan na mabago ang dumpsite at maging isang eco tourism park.

Ito rin ang isa sa nakikitang solusyon para matapos na ang anasa animnapung taong krisis ng lungsod pagdating sa usapin ng basura.

Samantala, tuloy pa rin ang pagpapatupad ng no segregation no collection policy sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments