Dahil sa layuning mahikayat ng ahensya ang publiko na may mga sasakyang hindi pa nakakapag-parehistro ng sasakyan, puspusan ang isinasaGAwa ngayon ng mga kawani ng LTO sa pamamahagi ng flyers at iba pa.
Sa bayan ng Lingayen at sa ilalim NG #OPLANBALIKREHISTRO, matiyagang ipinapaliwanag ng mga kawani ng LTO Lingayen katuwang ang Field Enforcement Unit ng ahensya ang kahalagahan ng pagpaparehistro sa mga sasakyan nilang paso ang rehistro o hindi pa naipaparehistro.
Ang aksyon ng ahensya na “educate-before-penalize” ay naglalayong linangin ang isang kultura ng responsible ownership, kung saan ang pagpaparehistro ay proactive choice o hindi isang sapilitang obligasyon.
Sa pamamagitan din ng aksyong ito ng ahensya namamahagi sila ng mga flyer na puno ng mga espesyal na batas, alituntunin, at regulasyon na makakapg bigay ng impormasyon ukol sa kampanya ng LTO. Nararapat din, anila, na maunawaan ng lahat ang kahalagahan ng pagpaparehistro ng mga sasakyan.
Layunin ng kampanyang ito ay mapaalalahanan ang publiko sa kahalagahan ng pagpaparehistro at para maipaalala ang respoNsible ownership at para iwas disgrasya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨