𝗘𝗟𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗢𝗣𝗨𝗟𝗔𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗘𝗦𝗧

Itinuturing ni Political Analyst Robert Go ang eleksyon sa susunod na taon na isang popularity contest kung saan ang isang kandidato ay kailangang maging sikat upang manalo.

Ayon kay Go, mainit ang paparating na eleksyon, partikular sa nasyonal na lebel dahil sa hidwaan ng presidente at bise nito.

Kaya naman hindi kataka-taka na may mangilan-ngilang pulitiko ang hindi umanib sa kahit anong partido dahil posibleng tinitimbang ng mga ito ang posibilidad na makinabang sa parehong samahan.

Aniya, tila hindi umano nagmamature ang ilang botante dahil sa hindi na rin pinapansin kung ano nga ba talaga ang plataporma ng isang kumakandidato at doon na lamang sa kung sino ang sikat.

Halimbawa na lamang diyan ay ang kadalasang pangunguna sa eleksyon ng mga artista o sinumang kilala sa publiko.

Umaasa naman si Go, na matuto na ang mga botanteng Pilipino para sa mga susunod na lider ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments