Muling ipinaalala ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office sa mga Pangasinense ang pagkakaroon ng emergency goods kasunod na rin ng posibleng epekto ng bagyong Kristine.
Saklaw ng Emergency Balde ang Canned Goods, Bottled Water, First Aid Kit, Gadgets, Source of Light, Hygiene Kit, Extra Clothing, Important Documents at Extra Cash.
Kabilang ito sa maaring gawin upang maging handa ang bawat isa at mapigilan ang malalang epekto sakaling manalasa ang anumang sakuna.
Samantala, inaasahan ang mga pag-uulan sa probinsya mga susunod na araw dulot ni Typhoon Depression Kristine. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments