𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗦 𝗛𝗜𝗡𝗢𝗟𝗗𝗔𝗣; 𝗣𝟯 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Tinangay ng tatlong holdaper ang P3 milyong piso na idedeposito sana ng mga kawani ng isang gas company habang patungo sa bangko sa Brgy. Don Montano, Umingan, Pangasinan.

Ayon sa mga biktima, naglabas umano ng baril ang isa sa mga suspek na lulan ng motorsiklo at binantaan ang mga biktima na gumilid sa kalsada.

Kinuha ng mga ito ang pera at agad na tumakas.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol sa insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments