𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗦𝗜𝗣𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗡𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗧𝗘𝗦𝗧 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔

Boluntaryong sumuko sa Lingayen Police Station ang isang kawani ng munisipyo na nagpositibo sa isinagawang drug test kamakailan.

Inasistihan ng kanyang ina kasama ang Brgy. Chairman ang trentay dos anyos na babae na nakilalang si Arlyn, residente ng Brgy. Aliwekwek, Lingayen sa pagsuko sa himpilan ng pulisya.

Sa resulta ng drug test, nakitaan ito ng paggamit ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

Nakatakdang isailalim sa rehabilitasyon ang babae sa DOH-Drug Treatment and Rehabilitation Center sa Bonuan Binloc, Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments