Sumailalim sa benchmarking activity ang environmental management coordinators ng bawat LGU sa La Union ukol sa maayos na paggamit ng waste electrical and electronic equipment ng Baguio City.
Binisita ng mga kawani ang Treatment, Storage, and Disposal Facility ng lungsod at nagkaroon ng diskusyon ukol sa disposal ng mga hazardous wastes at mga maaring epekto nito sa kalusugan ng publiko.
Inaasahan na mapapabuti pa ng La Union ang pamamahala sa mga basura na nakokolekta sa bawat bayan upang makamit ang mas malinis na kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments