Malaking tulong sa mga Persons Deprived of Liberty sa Dagupan City Jail ang bahagi ng livelihood program na Bayong Hiraya na gawa mismo ng mga PDL.
Mula sa kahulugan ng salitang ‘hiraya’ na hope o pag-asa, ang Bayong Hiraya ang nagsisilbing paraan para makalikom ang mga PDL na gumagawa ng bayong para sa kanilang personal na pangangailangan at para sa mga pamilya nila sa labas ng piitan.
Ayon sa tanggapan ng Dagupan City Jail, gawa sa hard plastic material PP strap o ‘plehe’ ang Bayong Hiraya. Environment-friendly at sustainable ang mga bayong sa materyal nitong 100% Recycled Polypropylene plastic.
Dagdag ng tanggapan, made to order ang mga ito at carefully handwoven ng mga PDL kaya maaaring gawin ang nais na disenyo. Maaaring sa pamamagitan ng pag-message sa official social media pages ng Dagupan City Jail, pagpunta mismo sa tanggapan o di kaya pagbisita sa coffee shop sa Bonuan Boquig, Dagupan City makabili ng Bayong Hiraya kung saan tampok ito. Bukod dito ay maaari ding ipadala sa ibang lalawigan ang tailor-made Bayong Hiraya na ipinagmamalaki ng mga PDL sa Dagupan City Jail. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨