𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Kaliwa’t-kanan ngayon ang isinasagawang mga Disaster Risk Reduction and Management practices ng mga concerned agencies sa buong Rehiyon Uno na may layong mas mapatibay ang pagkakaroon ng handang komunidad sa oras ng sakuna.

Kaugnay nito, naganap ang isang three-day workshop ukol sa Enhanced Local Disaster Risk Reduction and Management Plan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang naturang pagsasanay ay may layong mapalakas ang kapasidad ng bawat lokal na gobyerno pagdating sa pagtugon ng inaasahang mga bantang maidudulot ng anumang kalamidad, maging ang pagkakaroon ng komprehensibong aksyon upang maayos itong maimplementa sa mga bahaging sakop nito.

Samantala, ito ay nailunsad sa lalawigan sa pamamagitan ng Center for Disaster Preparedness Foundation project: Scaling Across Integrated Risk Management (CDFP-SAIL) ng isang US Agency. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments