Friday, January 16, 2026

𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗣𝗛𝗘𝗡𝗢𝗠𝗘𝗡𝗢𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Patuloy na nararanasan sa bansa ang epektong dulot ng umiiral na El Niño Phenomenon at inaasahang magtatagal ito hanggang sa unang quarter ng taong 2024.

Sa lalawigan ng Pangasinan, kaliwa’t kanang mga magsasaka ang patuloy na iniinda ang dulot nito partikular sa sektor ng agrikultura kung saan napapaulat na ilang mga sakahan ay nararanasan ang pagkasira ng mga pananim, maging panunuyo ng mga lupain.

Kasabay pa nito ang suliranin sa pagtaas sa presyo ng farm gate price ng ilang produkto maging ang pest infestation na talamak sa panahon ngayon.

Kabilang naman sa mga bayang tinututukan ngayon ng National Irrigation Administration (NIA) Pangasinan dahil sa El Niño ay ang mga Calasiao, Malasiqui, Sta. Barbara, Mangaldan, Rosales at Sto. Tomas na inaasahang mas kabilang sa mga magiging pinakaapektado nito.

Samantala, nananatili pa ring nakararanas ng tagtuyot ang lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments