Ikinaaalarma na ng mga matatanda sa lalawigan ang sunod-sunod na naitatalang matataas na temperatura ng heat indices lalo na pagdating sa kanilang mga kalusugan.
Ang ilang matatanda sa Dagupan City sinabing hindi na kinakaya ng kanilang pangangatawan ang nararanasang init ng panahon kahit na sa loob naman sila ng kanilang mga tahanan.
Ibang klase umano ng init ng panahon ang kanilang nararanasan ngayon kung ikukumpara sa mga nakaraang taon sa parehong panahon.
Madalas umanong makaranas ang mga ito ng pagkaantok dahil sa sobrang init at maging pagkahilo kung saan ikinakatakot ng mga ito na baka mauwi sa sakit na heatstroke.
Nagbigay paalala naman ang Department of Health Region 1 na kung maaari ay huwag na lamang lalabas sa mga oras ng alas diyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon dahil sa mga oras na ito nararanasan ang matinding init ng panahon.
Mas mainam rin umano kung pananatilihing hydrated ang katawan at iwasan ang mga outdoor activities para hindi makakuha ng sakit tulad ng heat stroke. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨