𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗬𝗜𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗦𝗢𝗡, 𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦; 𝟳𝟬𝟬𝗞 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Nilooban ng limang hindi pa nakikilalang suspek ang isang establisyimento na supplier ng Sand and gravel sa Brgy. Dungon, Sison, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagpakilala ang mga suspek bilang pulis na nakasuot ng uniporme ng pulis at may dala pang baril.

Iginapos gamit ang kable, hose, at duct tape ang anim na biktima na pawang empleyado sa niloobang establisyimento.

Tinangay ng mga suspek ang selpon, at perang nagkakahalaga ng PHP 700,000. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol sa nasabing insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments