Handa nang tumanggap ng mga residenteng lilikas ang Agdao Disaster Complex sa lungsod ng San Carlos.
Ayon Kay San Carlos City, Mayor Julier Ayoy Resuello, nasa Isang libo ang maaring manuluyan sa naturang evacuation area kung saan nagtayo ang mga ito ng modular tent.
Kung mas marami pa umano ang kinakailangang ilikas na residente sa lungsod mayroon pang nakahandang pasilidad na maaring gawing evacuation area.
Bente kwatro Oras umano ang deployment ng emergency team, ambulance, equipment at personnel ng lungsod para sa mabilis na pagresponde. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments