Monday, January 19, 2026

𝗘𝗩𝗔𝗖𝗨𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗡𝗔

Handa nang tumanggap ng mga residenteng lilikas ang lahat ng evacuation centers sa Region ayon sa Office of the Civil Defense Region 1 bunsod ng Bagyong Nika.

Ito ay matapos na pinatitiyak sa lahat ng mga governors at mayors ng rehiyon ang maagap na pagsasagawa ng pre-emptive evacuation upang maiwasan ang malalang epekto ng bagyo.

Binabantayan na sa ngayon ang mga low lying areas na maaring makaranas ng pagbaha dahil sa pag-uulan.

Samantala, Nakahanda na rin ang mga personnel ng tanggapan pati na rin ang kanilang mga kagamitan para sa mga mangangailangan ng tulong o rescue operation.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments