CAUAYAN CITY – Natapos ng Philippine Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) ang kanilang pagsasanay sa Explosive Ordnance Reconnaissance Agent (EORA) CL 01-2024 na ginanap sa Coast Guard Satellite Building sa Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan.
Nakilahok sa pagsasanay ang 67 officers at non-officers mula sa iba’t ibang units, stations, at substations ng CGDNELZN.
Sumabak sa iba’t ibang aktibidad ang mga kalahok kung saan natutunan nila ang mga uri, gamit, epekto at safety measures sa paggamit ng mga explosive devices.
Inaasahan na malaki ang maitutulong ng isinagawang pagsasanay para sa pagiging handa ng Coast Guards sa oras ng pangangailangan katulad ng mga sakuna at kalamidad.
Facebook Comments