Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan na huwag ng asahan pa na magkakaroon ng pagpapalawig o extension ng voter registration na magtatapos ngayong araw, September 30.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay COMELEC Pangasinan Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza, mainam na maagang magtungo sa opisina ng ahensya upang makahabol sa pagpaparehistro ngayong araw.
Aniya, nabigyan ng sapat na araw ang mga ito upang makapagparehistro,magpa reactivate at makapagpalipat ng records.
Nakapagtala na ng 2.12 milyon na botante ang tanggapan. Mababa umano ito kung ikukumpara sa naitalang botante noong nakaraang eleksyon na mayroong 2.55 milyon. Italic Bold (sans): |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments