𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗘𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗧𝗢 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Tatlong magkakasunod na araw na ang pagpapatupad sa Face-to-Face class suspension mula elementary hanggang senior highschool sa mga public schools sa Dagupan City dulot pa rin ng nararanasang matinding init na panahon.

Mula May 7, 8, at 9, 2024 ay kinansela ang klase mula sa abiso at anunsyo ng alkalde ng lungsod ng Dagupan.

Aminado naman ang mga magulang ng mga mag-aaral sa ilang paaralan sa Dagupan City na hindi umano biro ang heat indices na naitatala sa lungsod.

Sa tatlong magkakasunod na araw ng suspension of face-to-face classes sa lungsod ay nakapagtala rin ang PAGASA ng mataas na heat indices.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagbibigay paalala ng mga awtoridad ukol sa tamang pagha-hydrate sa pangangatawan dahil sa patuloy na nararanasang mataas na heat indices sa ilang bahagi sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments