Nakahanda na ang stockpiles at pondo ng Region 1 para sa mga residenteng posibleng maapektuhan sa inaasahang epekto ni Bagyong Marce.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1, nasa 32, 927 Family Food Packs at 14, 944 Family Food Items ang naka standby sa mga satellites warehouses sa rehiyon kasama na ang 12, 144 6L Bottled Drinking Water.
Nasa tatlong milyong piso naman ang naka standby na pondo para sa iba pang kakailanganin ng mga posibleng maapektuhang mga residente.
Samantala, tiniyak ng DSWD FO1 ang mas pina-igting na nararapat na tulong sa panahon ng sakuna patungo sa agarang pag recover ng mga nasalanta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments