Nagkaroon ng bahagyang paggalaw sa farmgate price ng ilan sa mga piling gulay na inalalako ngayon sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa updated data ng Department of Agriculture Ilocos Region.
Sa inilabas na datos ng Department of Agriculture Ilocos Region, nagkaroon ng paggalaw sa farmgate price per kilo ng ilan sa mga gulay tulad ng sitaw, talong at maging ng kalabasa.
Mula noong December 25-29, 2023, ang farmgate price per kilo ng ampalaya ay nasa ₱45, ang sitaw, pechay na native, at kalabasa ay nasa ₱30 per kilo.
Habang ang talong naman ay nasa ₱55 ang per kilo, tumaas ng limang piso ang okra na nasa ₱35 per kilo, at kamatis na nasa tumaas rin ng limang piso kumpara noong nakaraan kung saan nasa ₱20 ang per kilo.
Sa ngayon, maayos pa rin ang bentahan ng gulay sa ilang pamilihan at palengke sa lungsod ng Dagupan at patuloy pa rin umanong tinatangkilik ng mga konsyumer bilang mas nakakatipid ang mga ito sa mga bentang gulay ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨