𝗙𝗔𝗥𝗠𝗚𝗔𝗧𝗘 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗞𝗜𝗟𝗢

Bumagsak pa sa bente pesos ang kada kilo ng farmgate price ng mangga sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay sa kabila ng patuloy na oversupply sa nasabing produkto sa ngayon at ang ilan ay hindi na inaani ang mga bunga.

Ayon sa naging panayam ng iFM News Dagupan kay Pangasinan Mango Growers Association President Mario Garcia, nagkasabay sabay ng ani ng mga mangga sa magkakalapit na rehiyon ang dahilan ng pagdami ng suplay nito .

Sinabayan pa ito ng mga pamumunga ng boluntaryo na isa rin sa dahilan ng pagdami ngayon sa merkado.

Samantala, umaasa naman sila na tutulungan ng pamahalaan ang mga naluging mga mango growers upang makabawi sa kani-kanilang pagkalugi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments