Patuloy pa rin naman ang pag-aabot ng tulong at mga farm inputs ng Department of Agriculture Region 1 para sa mga magsasaka sa rehiyon na apektado ng patuloy na epekto ng el nino ayon sa grupong SINAG.
Ayo sa panayam ng IFM Dagupan kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So, sinabi nitong patuloy pa rin naman ang pamamahagi ng farm inputs ng Department of Agriculture sa kanilang mga magsasaka maging pamamahagi ng tulong pinansya ay nakatatanggap pa rin umano sila.
Tulad na lamang ng 4,200 na inputs na siyang patuloy pa rin umanong ipamamahagi sa mga magsasaka pati na rin ang ayudang nasa ₱5,000 mula naman sa Rice Tariffication.
Samantala, nakitaan ng mababang farmgate price ang kuha sa palay ngayon sa lalawigan kung saan nasa 24 pesos ang starting price per kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨