𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗦𝗣𝗘𝗖𝗜𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗔𝗕𝗥𝗔

Cauayan City — Nasawi ang isang 53-anyos na lalaki matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang natutulog sa loob ng kaniyang silid sa Peñarrubia, Abra.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Daniel Fatorog Pog-ok, tubong Sadanga, Mountain Province, at isang farm specialist sa Mt. Carmel Agri-tourism and Training Centre na pinatatakbo ng Abra Diocesan Teachers and Employees Multi-Purpose Cooperative (ADTEMPCO).
Batay sa ulat ng Peñarrubia Municipal Police Station, natagpuan ang biktima na nakahiga sa kama na may tama ng bala sa ulo at idineklara nang patay sa lugar. Lumabas sa imbestigasyon na puwersahang pinasok ang kuwarto, wasak ang doorknob, at pinaniniwalaang hinalughog ang loob nito.
Tatlong motorsiklong nakataob malapit sa pinangyarihan ng krimen ang kasalukuyang sinusuri ng mga awtoridad. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga salarin at ang motibo sa pamamaril.
Source. GURU PRESS CORDILLERA
————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments