Cauayan City – Pinamahagain ng tulong pinansyal ang mga magsasaka sa lungsod ng Cauayan ngayong araw ika-15 ng Abril.
Nagaganap ang naturang pag-aabot ng tulong pinansyal dito sa FLDY Coliseum kung saan 3629 ang bilang ng mga magsasaka na makakatanggap nito.
Ang mga magsasakang benipesyaryo ay ang mga registered sa Registered System for the Basic Sectors in Agriculture o (RSBSA) na ang lupang tinatamnan ay nasa 2 ektarya pababa.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ronald Ogana mula sa Brgy. Buyon, Cauayan City, Isabela, isa sa mga benipesyaryo ito ang unang beses na siya ay makakatanggap ng naturang tulang pinansyal.
Aniya, ang matatanggap niya ay kanyang ipambili ng binhi ng palay na kanyang gagamitin sa susunod na taniman.
Facebook Comments