Dinagsa ng mga tao ilang oras kahapon bago ang pagsalubong sa bagong taon ang firecracker selling zone sa bahagi ng barangay Poblacion Oeste sa Dagupan City.
Naging malakas ang bentahan tatlo hanggang apat na oras bago ang New Year Celebration.
Ayon sa mga nagbebenta ng paputok, bagamat mas mataas ang demand nito noong nakaraang taon, kahit papaano ay may nabenta naman daw ang mga ito.
Ani ng iba, sa huling araw na umano sila nakabawi ng pagbenta dahil aminado ang mg itong naging matumal nga ang bentahan ngayon.
Dagdag pa ng mga ito na nanatili sa presyuhan ang mga paputok upang mas madali itong matangkilik ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments