Ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang mga fish pen at oyster rafts na ipinamahagi ng Department of Labor and Employment at Department of Science and Technology.
Nakatakdang magsagawa ng konsultasyon ang city agriculture office sa mga mangingisda para sa konserbasyon nito.
Layon kasi ng lokal na pamahalaan na mapalakas ang sistema nito base sa law of supply and demand nang matulungan ang mangingisda na mapataas ang kanilang kita.
Matatandaan na nauna nang inimplimenta a ang paglalagay ng label sa Dagupan bangus na rekomendasyon ng Department of Trade and Industry at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Inihahanda na rin ang partnership ng BFAR at LGU Dagupan upang maproseso ang pageexport ng bangus. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments