𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡

Nakalinya na ang karagdagang flood free projects sa lungsod ng Dagupan.

Ito ay matapos magpulong ang lokal na pamahalaan ng lungsod sa pangunguna alkalde kasama ang kinatawan ng Department of Public Works and Highways Regional Office 1.

Kabilang sa mga nakalinyang proyekto ay ang konstruksiyon at rehabilitasyon ng lahat ng creeks at floodgates sa siyudad.

Kasama rin ang installation ng mga pumping station particular sa Arellano at Careenan St, at ang pagpapatuloy ng isinagawa river protection.

Ilan pa rito ang construction of waste water treatment sa public markets, dikes with pumping stations, water treatment for outflows, dredging operation at iba pa.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang konstruksiyon ng mga road projects sa mga pangunahing kakalsadahan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments