𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗠𝗜𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗡𝗜, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔

Natapos na ang konstruksyon ng 91.6 milyon flood mitigation project sa Barangay Caranglaan sa bayan ng Mabini.

Ayon kay Mabini Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office head Keith Cerilo Balintos noong Lunes, makakaranas ng ginhawa ang mga residente dahil hindi na nila kailangang mangamba sa pagbaha sa kanilang barangay.

Isang problema ng barangay ang pagbaha dahil umano ang tubig ulan ay naiipon sa Balingcaguing River na nagiging sanhi ng pagbaha sa highway at residential areas na umaabot ng tatlong metro ang taas.

Ayon sa Department of Public Works and Highways Ilocos , nasimulan ang proyekto noong ika 12 ng Pebrero at natapos noong ika 23 ng Abril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments