𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗔𝗖𝗞𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔

Inihanda na ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ang ipapamahaging mga Family Food Packs at Non-Food Items sa mga posibleng maaapektuhan ng Bagyong Enteng sa buong Region 1.

Kabuuang 81, 723 ang nakahandang FFP habang 21, 157 naman sa NFIs.

Nasa tatlong milyong piso rin ang available funds ng ahensya sakaling mangailangan ng iba pang tulong ang naapektuhang mga residente.

Sinisiguro ng tanggapan na handa ito sap ag-agapay sa mga kababayang maapektuhan ng sama ng panahon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments