𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗪𝗔𝗦𝗧𝗘, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗚𝗔𝗡𝗜𝗖 𝗙𝗘𝗥𝗧𝗜𝗟𝗜𝗭𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Ang problema sa basura ay tunay ngang magsisimula sa bawat isa.

Sa lungsod ng Dagupan isinusulong ngayon ang pagproproseso ng food waste bilang organic fertilizer upang makatulong na labanan ang pagdami ng basura.

Ang mga pinagbalatan ng gulay, prutas, pinaglinisan ng isda, tirang pagkain at iba pang food wastes ay makatulong at magamit kung sakali dahil ang isang sakong (50 kilos) commercial fertilizer ay umaabot sa P 4,000, samantalang ang 100 kilos na food wastes na gagawing pataba ay makakagawa na ng 10 to 12 kilos na fertilizer ayon sa Waste Management Division ng lungsod.

Malaki ang magiging epekto nito kung sakali dahil pwedeng gamitin ang organic fertilizer bilang pataba ng lupa para sa mga plantita at plantito, pagkain ng alagang hayop at iba pa.

Dahil dito, Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang bawat kabahayan at maging sa mga pamilihan na isagawa ang waste segregation upang ihiwalay ang mga maaring irecycle at gawing organic fertilizer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments