𝗙𝗢𝗥𝗨𝗠 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟱, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isinagawa ang isang forum upang talakayin ang budget ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City para sa taon 2025.

Tinalakay sa naturang forum ang pagbibigay katiyakan na magagamit sa tama at epektibong pamamaraan ang pondo para sa taong 2025.

Importanteng bahagi rin ito ng budgeting process para sa masusing pagtalakay sa 2025 proposed annual budget, comparative at projected income, at local expenditures program.

Tinalakay rin ng mga ito ang mga priority programs projects and activities ng pamahalaang lungsod at ng national government sa susunod na taon.

Samantala, dinaluhan ang forum na ito ng mga department heads, section chiefs, sangguniang panlungsod members, at kinatawan ng ilang line government agencies at civil society organizations sa naturang lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments