𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗦𝗣𝗔𝗖𝗘 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗔𝗥𝗧𝗜𝗦𝗧

Cauayan City – Free Space para sa mga local artist ng Cagayan sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan para sa kanilang sining.
Ayon kay Kevin Baclig, Cagayan Museum and Historical Research Center Curator and Director, mahalaga umanong mabigyan ng espasyo ang mga artist upang maipakita nila ang kanilang mga obra sa publiko.
Samantala, ngayong buwan rin ipagdiriwang ang National Arts Month.

Maaga namang nagsimula ang selebrasyon ng National Arts Month sa Cagayan Museum noong Enero 30, 2024 kung saan binuksan ang “Apaw” Art Exhibit ni Lucio Taguiam, Jr. at ang pagtatanghal ng UP Kontra-GaPi sa Rizal Park.
Samantala, magkakaroon naman ng isang art exhibit sa museo ngayong Pebrero 09, 2024 na pinamagatang “Agos ng Sining II”.
Magkakaroon din ng libreng film viewing sa darating na ika-16 ng Pebrero sa pakikipagtulungan ng Northern Luzon Cinema Guild, habang sa Pebrero 25, naman ang pagbubukas ng Art Market at Busking.
Bubuksan rin sa publiko ang Rizal Park para sa mga aktibidad tulad ng busking at ilang mga kabataan rin ang inaasahang magtatanghal sa naturang parke.
Facebook Comments