Nagpapatuloy ang pagtugis ng pulisya sa suspek sa pamamaril ng isang french national sa Brgy. Estanza Lingayen, Pangasinan.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Lingayen Officer-in-Charge PLTCOL Amor Mio Somine, pauwi umano sa kaniyang bahay ang biktima nang pagbabarilin ito ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Tinitignang motibo sa pamamaril ang iringan sa lupa at ari-arian ng namayapang ina ng biktima na inaasikaso nito habang nasa Pilipinas.
Bukod dito, tinitignan din ang anggulo na may nakaaway ito sa kabila ng kawalan ng kaibigan at kakilala sa lugar maliban sa kanyang kaanak.
Apat na tama ng bala ang natamo ng biktima.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments