Cauayan City – Tampok ngayong umaga ang makukulay at nagsisigandahang mga bouquet of fresh and artifial flowers na maaring gawing panregalo sa mga magsisipagtapos.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Ginang Jenny at Ginang Lina, pawang nagbebenta ng bulaklak, sinasamantala nila ang ganitong mga okasyon upang makapagbenta ng mga bulaklak.
Sinabi sa mga ito, bagama’t bahagyang tumaas ang presyo ng mga bulaklak dulot ng mga naranasang pagsama ng panahon dahil sa bagyo ay tinatangkilik pa rin nila ito upang gawing panregalo.
Samantala, ayon naman sa ilan pang mga nagbebenta ng bulaklak, marami rin ang pinipiling tangkilikin ang artificial flowers dahil bukod umano sa mas mura ay mas nagtatagal pa ito kumpara sa fresh flowers.
Gayunpaman, ikinatutuwa ng mga ito na kahit papaano ay marami pa rin ang bumibili sa kanilang mga produkto upang gawing panregalo sa mga magsisipagtapos.