Panawagan ngayon sa sektor ng transportasyon sa lalawigan ng Pangasinan ang patuloy na pagsasagawa ng fuel subsidy at service contracting program.
Ayon sa One Pangasinan Transport Federation, bagamat nabibigyan naman sila ng naturang fuel subsidy ay may ilan pa rin sa drayber ang hindi nakatatamasa nito kaya naman hiling nila na sana ay lahat sana ng nasa sektor ng transportasyon ay makakatanggap ng ayuda mula sa Department of Transportation o DOTr.
Ang grupong BUSINA naman sinabing, nahihirapan din umano ang mga drayber na maisumite ang kinakailangang mga dokumento upang mapabilang sa programa kung kaya’t nais din nilang matalakay ito sa ikatlong SONA.
Samantala, maging ang pag-amyenda sa oil deregulation law ay hiling din na marinig dahil hirap pa rin umano ang mga drayber sa pabago-bagong presyo ng krudo sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨