Posible pang mapahaba ang transition period bago ang full implementation ng Provincial Ordinance No. 325-2024 o ang mandatoryong pagsusuot ng reflectorized materials ayon sa Pamahalaang Panlalawigan.
Ayon kay Vice Governor Mark Lambino, planong makipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa Pangasinan Police Provincial Office ukol sa full implementation nito.
Aniya, kung maari sana ay magsimula ang full implementation sa September 15 upang mabigyan ng sapat na transition period ang mga motoristang Pangasinense sa pagsunod sa ordinansa at hindi nabibigla sa karampatang multa.
Sa kasalukuyan, nag-umpisa nang manita ang kapulisan sa mga lumalabag at patuloy na nagsasagawa ng checkpoints para sa information dissemination kung tuluyan nang nagsimula ang full implementation nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨