𝗙𝗨𝗡 𝗥𝗨𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Linggo ng Kabataan, isasagawa ang Saya at Kulay Fun Run 2024 sa darating na Agosto 24, 2024, 4:00 ng umaga sa Binmaley Beach.

Sa halagang 300 pesos na ticket, maari ka ng makilahok sa aktibidad at makatanggap ng race kit tulad ng race shirt, wrist band, tarp number, color powder, finisher’s certificate at raffle entry.

Nasa 1km,3km at 5km ang maaring salihan sa naturang fun run. Ang sinomang magwawagi ay tatanggap ng cash prize na aabot sa limang libo.

Bukas sa lahat ng interesadong Binmalenians ang nasabing fun run.

Layunin nito na maipalaganap ang kahalagahan ng Pag eehersisyo at mailayo ang mga kabataan sa mga masamang gawain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments