𝗙𝗨𝗡 𝗥𝗨𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗜𝗔𝗕𝗘𝗧𝗘𝗦 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Nakatakdang magsagawa ang isang ospital sa lungsod ng Dagupan ng “fun run” sa ika 20 ng Hulyo sa paggunita ng Diabetes Awareness Month sa CSI Stadia na magsisimula ng 4 ng umaga.

Ayon kay Dr. Irene Catambing-Dampil ng Nazareth General Hospital, ang fun-run ay magkakaroon ng tatlong kategorya na magsisimula sa 3k, 5k, at hanggang 10k runs.

Isa ang diabetes sa sakit ng mga Pilipino sa bansa. Upang maiwasan ang mga komplikasyon nito, payo ni Dampil na ehersisyo at pagkain ng tama ang susi para hindi magkaroon ng diabetes.

Samantala, magkakaroon rin ng zumba bago ang simula ng fun-run. Pwede rin mag-walk in ang mga nais na magpartisipa sa selebrasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments