𝗚𝗔𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗜𝗟𝗢𝗢𝗕𝗔𝗡

Nilooban at ninakawan ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang isang Gadget store sa bahagi ng Perez Blvd., Brgy Herrero-Perez, Dagupan City, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, apat na suspek ang nanloob sa naturang establisyimento at nagnakaw ng mga naka-display na cellphone.

Ayon sa biktima at may-ari ng gadget store, tinutukan umano sila ng mga suspek ng baril at saka nangulimbat ng mga nakadisplay na cellphone at nilagay sa dala nilang bag pack.

Motorsiklo ang gamit ng mga suspek sa pagtakas sa krimen.

Patuloy naman ang isinasagawang follow up investigation ng kapulisan at sa pagkakakilanlan ng mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments