𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗪𝗜𝗧, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗧𝗩 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗘𝗧𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡

Ipinamalas ng isang 17 taong gulang na mag-aaral mula sa Binmaley Catholic School Inc. ang galing nito sa pagkanta matapos sumabak sa isang National TV Singing Competition.

Bagamat hindi na nakausad pa sa susunod na round ng kompetisyon ng Tawag ng Tanghalan ng Showtime si Mark Kian Ferrer na tubong Barangay Linoc Binmaley, hinahangaan pa rin ito sa kaniyang madamdaming pag-awit.

Sa panayam ng IFM Dagupan sa batang mang-aawit, kahit siya ay hindi pinalad masaya ito sa kaniyang naging maranasan dahil ito ang kauna-unahang singing competition na sinalihan niya.

Aniya, nadagdagan ang kaniyang kumpyansa sa pag-awit at nadagdagan ang mga techniques.

Mensahe nito sa mga aspiring at kapwa young singers na magpatuloy lamang sa pag-awit at huwag mawalan ng pag-asa dahil pasasaan pa at maabot din ang minimithing pangarap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments