𝗚𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟, 𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡

Dead on the spot ang isang 59 anyos na ginang matapos salpukin ng Isang garong ang Isang bisikleta sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Bued, Calasiao, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, lulan ang ginang ng garong na minamaneho ng kaniyang asawa. Ang dalawa, magtitinda Sana ng daig sa Calasiao.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, overloading ang dahilan kung kaya’t nawalan ng kontrol ang mister ng biktima.

Dahil dito, nasagasaan ang Isang dalagita at sumalpok ang garong sa kasalubong na siklista.

Nagtamo ng bali sa balakang ang dalagita at minor injuries sa siklista.

Abswelto ang driver matapos magkasundo ang dalawang panig na hindi na ituloy ang kaso.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments