
Cauayan City – May halong galaw ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo matapos ianunsyo ang rollback sa gasolina habang muling tumaas ang diesel at kerosene.
Sa inilabas na abiso, ipinatupad ang ₱0.10 kada litro na bawas-presyo sa gasolina, tataas naman ng ₱0.20 kada litro ang diesel at ₱0.10 kada litro ang kerosene.
Samantala, sa Petron ang kanilang Diesel Max ay nasa P56 pesos; turbo diesel na nasa P58 pesos; Xtra Advance na nasa P58 pesos; at XCS na nasa P59 pesos.
Sa Fuel Maxx naman, ang diesel ay nasa P50.50, ang premium ay nasa P52.90, at ang kanilang unleaded ay nasa P52.40 per liter.
Sa eighteen v naman, ang diesel ay nasa 50.60 pesos, premium na 52.90, at 52.50 sa eco-max.
Samantala, sa Eco Power Oil naman, nasa P50.50 ang kanilang diesel, premium na 52.90 habang ang kanilang supreme ay nasa P52.40 kada litro.
Sa shell naman ang kanilang fuel save diesel ay 58.40 pesos, v-power diesel na 66.90 pesos, fuel save gasoline na 60 pesos, at v-power gasoline na 63 pesos.
Ayon sa Department of Energy–Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), inaasahan na ang rollback sa gasolina bunsod ng pagluwag ng geopolitical risks, inaasahang global oversupply ng langis, at mahina umanong demand sa pandaigdigang merkado.
Ibig sabihin, mas marami ang supply ng langis kaysa sa bumibili, kaya bumababa ang presyuhan sa world market, na nagreresulta sa rollback ng gasolina.
Gayunman, hindi pa umano kasama sa naturang projection ang naging epekto ng pagdakip ng puwersa ng Estados Unidos kay Venezuelan President Nicolas Maduro, na nagresulta sa pagbawas ng produksyon ng krudo ng state-run oil company na dahil sa kakulangan ng storage bunsod ng nagpapatuloy na US blockade.
Kapag nagpatuloy o lumala ang sitwasyon sa Venezuela na isa ring oil-producing country, posibleng maapektuhan ang global supply ng krudo, na maaaring magbago pa ang galaw ng presyo ng langis sa mga susunod na linggo.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









