𝗚𝗔𝗦𝗢𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡

Nilooban ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang Isang gasoline station sa Urdaneta City.
Natuklasan ito Pasado alas nwebe ng Umaga ng mga empleyado ng nasabing gasolinahan.
Base sa kuha sa CCTV pinasok ng Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nasabing gasolinahan at kinuha ang vault mula dito na naglalaman ng nasa mahigit limampung libong piso.

Nasa 5’6 ang taas ng suspek at naka suot ng bullcap at naka sweatshirt kung saan ay napag alaman na pumasok Ang suspek Pasado alauna ng madaling araw.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pnp sa pagkakakilanlan ng nasabing suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments