Matagumpay na isinagawa ng Department of Health Center for Health Development Region 1 ang Gawad Kalusugan 2023 na may temang โBawat Buhay Mahalaga: Pagbibigay Pugay sa mga Natatanging Bayani ng Kalusuganโ, kahapon, ika-15 ng Disyembre, sa San Fernando City, lalawigan ng La Union.
Kinilala ng ahensya ang mga naging trabaho at ambag ng ibaโt-ibang mga organisasyon, private sectors, mga hospital, RHUs maging ng mga LGU at pamahalaang panlalawigan sa rehiyon uno ukol sa usaping pangkalusugan kung saan sa datos nasa 233 na mga partisipante mula sa rehiyon ang dumalo sa naturang parangal.
tinanggap ng mga ito ang ibaโt-ibang parangal gaya ng Madaydayaw award na kumikilala sa mga lalawigan, ahensya ng gobyerno at organisasyon sa rehiyon na lumahok at sumuporta sa mga programa at aktibidad ng regional offices ng DOH sa antas ng komunidad, ang Palbayani award ay para sa kapuri-puring pagganap sa pagpapatupad at pagtatatag ng mga programa at serbisyong pangkalusugan; ang Bannuar Iti Salun-At award para naman sa natitirang suporta at pangako sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo sa kalusugan ng departamento ng kalusugan.
Bukod sa mga parangal, tumanggap din ng cash prize ang mga ito na hindi bababa sa P20, 000 hanggang P175, 000.
Panauhing pandangal si Health Undersecretary si Dr. Enrique Tayag bilang kinatawan ni Health Secretary Dr. Teodoro Herbosa. | ๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ
Facebook Comments