
Cauayan City – Dambuhalang bilao ng pancit Cabagan ang itinampok sa Queen Isabela Park bilang pahagi ng nagpapatuloy na selebrasyon ng Bambanti Festival 2026.
26 na barangay sa bayan ng Cabagan, Isabela ang nanguna sa pagluluto ng ipinagmamalaking Pancit Cabagan sa kanilang lugar. Bawat barangay ay nagluto ng tig-8 kilos ng pancit na siya namang inilagay sa giant bilao.
Sa panayam ng IFM News Team kay Department of Tourism Regional Director Troy Alexander Miano, minabuti ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na isama ang Pancit Cabagan sa selebrasyon ng Bambanti Festival dahil signature dish at signature noodles ito ng Isabela.
Aniya, bagama’t walang hinahabol na world record ang Giant bilao ng pancit Cabagan, hindi umano nila isinasara ang posibilidad na kapag mas nakilala pa ang pancit Cabagan ay makakakuha rin ito ng record balang araw.
Tinatayang nasa 208 kilos ang inilutong pancit Cabagan, maliban pa rito ang ilang kilo rin ng karne at gulay na isinahog rito.
Ikinatuwa rin ni Ginoong George Totto, kapitan ng Brgy. Balasig, Cabagan, Isabela na mas binibigyan pa ng pagkakataon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na mas makilala ang ipinagmamalaking produkto ng kanilang bayan.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










